My long wait is over… harhar!!!

DATE: MARCH 5TH, 2008

February 16, Saturday. nagising yata ako ng 8am at pumunta ako sa banyo para mag-wee-wee.. medyo nagulat ako at nagtaka kasi I had a slightly bloody discharge.. & then it came to my mind what I have read in my weekly pregnancy e-mail about the bloody show.. that only happens when a pregnant woman (of course..) is already in labor.. syempre na-excite ako.. heheh.. Only after that, I guess minutes, when I felt pain in my lower abdomen. Maybe it’s the so-called labor contractions… hahah!! But the contraction isn’t that painful yet & in long intervals so I still had nothing to worry about that time.. And all these, I told to my mom, so does she know.. and she told me — “pakiramdaman mo muna sarili mo, pag maya’t maya na ang sakit sabihin mo para umalis na tayo.. maglakad lakad ka..” — heheh.. sbai pa ng mom ko na kumain na daw ako kasi pag humilab pa raw ng husto yung tiyan ko, di nako maka-kakain.. then, my following visits to the bathroom, my discharge already changed in color.. to slightly bloody to something like mucous in dirty yellowish-greenish in color.. and the contractions became more intense and in shorter intervals.. But still I managed to take a walk.. from our house to the city hall & back home.. I do the walking very slowly like a turtle.. heheh.. & everytime I feel the pain, I stop. But something weird I felt during the labor.. sleepy… I guess I slept 3 times.. then after that 3rd sleep, when I urged my mom to go to the hospital already.. I guess that’s around 11 pm.. I woke up at 10 pm but my mom was not around kaya kumain muna ako.. after that, umakyat ulit ako at humiga muna para pakiramdaman sarili ko.. dapat matutulog pako ulit nun kaso talagang sumasakit na puson ko.. that whole day, ka-text ko si aby.. I keep on asking her about the labor contractions. kasi nauna siya sakin nanganak.. then pinakiusapan ko siya kung pwede siya sumunod samin sa ospital kasi na-sense ko na di makakapunta si choi. Coz when I texted him ang sabi ko kasi ganito – “day-off mo naman bukas diba?? Punta ka ngayon bukas kana umuwi.. pinapupunta ka ni mama..” – ang sabi niya di daw pwede kasi nag-OT siya that time at tinanong niya kung manganganak na daw ba ako.. di daw pwede yung pupunta lang siya dahil gusto ko.. ayun… feeling ko nawalan siya ng common sense nung panahong yun.. siguro dahil stressed na sa work kaya di kona tinext.. understanding naman ako eh… nyahahah!!! Yun… when my mom got home, sinabi ko sa kanya na pumunta na kami sa ospital. Ayun, dinampot na lang yung bag na dadalhin.. pagkalabas naming ng bahay.. hay naku… ang bagal ko na maglakad… para akong nata-tae na ewan… masakit kasi at feeling ko hinaharangan ko pwerta ko.. nag-abang kami ng taxi sa kanto ng sitio Victoria.. pagkaupo ko pa lang sa taxi nakaramdam na naman ako ng contractions.. gusto ko mamilipit but what I did is to stretch sidewards to control the pain.. pagkarating sa ospital, di rin ako agad naka-baba ng taxi kasi humilab na naman… then, diretso kami sa ER-OB. Tapos tinext na yung kakilala ni mama na doctor. Hindi kasi naka-duty that time kaya ipa-pa-assist na lang kami sa iba.. nag-text rin si aby na papunta na siya.. nag-ask pa’ko ng favor na paki-kuha yung ultrasound ko sa bahay kasi hinahanap pa ng doctor.. kailangan daw yun.. ayun… at sa mga oras na yun sound asleep na rin si choi… heheh!!!

February 17, Sunday. Still at the hospital, nagle-labor, dumating na si aby nagdala ng n70 para kung sakali makapasok siya sa delivery room kunan daw niya ng video panganganak ko.. hahaha!!! Dala na rin niya yung pina pakuha ko sa bahay namin.. tapos kinakausap ako ni aby di ko na siya masyado nasasagot lalo na pag humihilab na tiyan ko.. kasi ang sakit pala talaga nun… biruin mo yun… hehe… then every contractions, tinutulungan niya ako by pushing my tummy down para bumaba yung baby.. tapos naka-ilang tawag din siya sa doctor kapag humihilab tiyan ko.. tapos ia-i.e ako may sinusukat o sinasalat yata sa loob ko.. harhar!! May time na in-i.e ako na naramdaman kong parang may umagos, don’t know if its blood or my water broke already.. then, pina-push ako several times till the nurse shouted –“fully!!” – and the stretcher came in.. they asked me to undress and even remove my earrings.. pero sorry na lang sila dahil di madali tanggalin hikaw ko… heheh… kaya yun… hinayaan na lang.. tapos pinapalipat ako sa stretcher ng patagilid.. sabi o hindi ko kaya.. di na kasi ako makabangon that time dahil sobrang sakit na talaga.. feeling ko nun lalabas na ulo ng baby ko kasi ang sakit na sa puson… kaya tinulungan nila ako ilipat tapos kinumutan… then we rushed to the elevator.. along the way dapat ilalabas kona yung baby kaso pinipigilan ako… sabi wag ko daw muna i-push kasi kawawa naman baby ko magkaka-impeksiyon pag inilabas ko agad.. kaya yun parang naibalik ko pa siya sa loob.. hanggang sa maipasok na’ko sa delivery room.. doon, pinalipat ulit ako ng higaan… maliit lang na stainless bed.. heheh.. then, pinasampa yung paa ko magkabilaan para naka-wide open yung legs.. dun ko na naramdaman yung epekto ng pamapatulog… kasi medyo nahihilo na’ko nun eh… tapos, nagulat na lang ako ng maramdaman kong hinugasan ang harap ko.. malamig kasi yung tubig.. may kumausap pa sa’kin na nurse.. parang nag-interview.. she asked my name, if I’m married, my spouse’s name, occupation, why am I not using my husband’s surname, etc.. good for her kasi nasagot ko lahat ng tanong niya kahit na hilo-hilo ako… nyahahah!!! Nang humilab na ulit tiyan ko, ayun pina-ire na’ko tapos may sinabi yung doctor na anesthesia daw yung ituturok niya… pero wala naman ako naramdamang tusok ng karayom.. siguro dahil sabay sa sakit ng paghilab kaya yun… another push, I felt a cut under, the doctor told me to push as if I am pushing a big bowel out of me.. and a woman’s voice told me na malapit na kita na raw ang ulo… pero hindi ko pa nailabas that time.. coz when the contraction stopped, I stopped pushing also.. so the doctor said –“sige pahinga ka muna” – nung humilab ulit, ayun nag-push ako… tinodo kona… sigaw ulit yung girl doctor na nakalabas na daw yung ulo, tigil daw muna ako… but I didn’t stop kasi I can still feel the pain na parang may wumawarak sa pwerta ko.. kaya tinuloy ko pag-ire… pinagalitan tuloy ako ng girl doctor kasi sabi na nga raw niya na tigil muna, gusto ko daw ba tumalsik baby ko.. yun pala yung balikat ng baby yung masakit na yun… heheh… nagulat ako ng biglang may umiyak… ang lakas kasi… ngumangawa… parang pusa… heheh… nakita ko lang yung baby ko nung inangat ng doctor nakatalikod nga lang sa’kin… basta ang naa-alala ko nun maputi at may buhok na agad.. hahah!! Sabay sigaw ng girl doctor –“baby girl” – tapos narinig ko na lang may umaagos na tubig… naisip ko pinapaliguan na yung bata kasi continuous ang pag-iyak… nagulat na lang ako ng maramdaman kong tinatahi na’ko… may times na uma-aray ako kasi ramdam ko yung pagtusok ng karayom… after that… bangag pa rin ako hanggang sa mailabas ako ng delivery room at ilipat ng ibang kwarto… dun na ako tuluyang nakatulog… Pero pa-putul-putol ang tulog ko, hanggang sa mag-umaga.. at infairness wala pa’ko damit nun… naka-kumot lang… nung umaga lang binigay yung damit… pati yung pang-almusal ko, late na binigay… tapos wala pang binigay na extra diaper..may nag-interview na isang nurse… nasabi niya sa’kin na yung baby ko daw singkit… sabay hawak sa mata niya at pina-singkit din… naalala niya kasi na di ko daw nakita kasi natutulog daw ako nun… pinulikat pa’ko nang ililipat na’ko sa ward… nagalit pa sa’kin yung nurse… minamadali ako eh sa masakit nga… pati yung nurse na may pina-pipirmahan… ang sungit ng mga tao dun…. Parang yung mga intern lang ang friendly dun…. Heheh… dun ko lang naranasan ma-wheelchair… pagkadating sa ward, higa na’ko tapos naghintay na may dumating… akala ko ihahatid na sa’kin yung baby ko… pero wala pa… di ko na alam ang time nun… basta dumating si mama… kinuha ko agad ang cellphone… hehehe… tinext kona lahat ng dapat i-text…. Sabi pa bawal daw yun kasi masama daw sa bagong panganak ang ma-steady ang mata…. Kaya pala sumasakit ulo ko nun…. Pero tuloy pa rin sa kate-text.. nyahaha… mga 1pm na yata dumating nun si choi… heheh… kala ko nga naligaw… yun pala na-traffic lang sa mabini… pagkarating niya… binayaran na niya yung nagastos ni mama, tapos dinala niya yung urine sample ko sa laboratory… punta kami sa nursery para tingnan sana yung baby namin.. kaso 4pm pa daw pwede makita… kaya balik kami sa ward… tapos umuwi na si mama. Si choi na ang bantay ko… hahahah…. Minutes or hour passed, pinatawag kami sa nursery, kala ko pa naman makikita ko na baby namin… yun pala pina-pabili lang ng diaper… after 30 minutes pa daw naming makikita si baby… kaya yun, bumili muna ng diaper si daddy… harhar!!! After dun, balik kami sa ward, tapos alis muna si choi, bibilhan ako ng pagkain… mga 3:30 yata hinatid na sa’min yung baby… ewan, pero parang no reaction lang ako… heheheh.. natawa ako kasi totoo yung sabi sa’kin ng nurse… chinita nga baby ko… harhar!!!! Ayun, pinag-tripan muna namin sandali si baby… kinunan ng picture… ahehe… 4pm yata, alis ulit si choi, para magsimba muna… basta ilang beses din siyang umalis kasi may mga binibili… hanggang sa bago siya umuwi, binilhan niya ako ng breast pump… heheh… at ang pinaka-last ay mainit na tubig… gulat nga ako kasi pagkabalik niya galing yata sa pagsimba, kasama na niya pinsan ko… ewan kung sino nauna sa kanila dumating… kasi kakagising ko lang nun.. when they left, dun ako namroblema… kasi simula nung ihatid si baby nung hapon, di pa siya kumakain… naabutan nga nila ako na pina-painom ko ng milo si baby… wala pa kasi ako gatas… naiiyak na’ko nun… buti na lang nag-offer yung isa kong kasama dun sa kabilang bed lang, na i-breast feed niya bebe ko… pesteng dede ko kasi nun, wala pa lumalabas na gatas… kung meron man, ilang patak lang… di naman makakabusog yun…. Kaya nag-text ako sa bahay na hugasan na yung mga bote ng bata… at magdala ng gatas..

February 18, Monday. Mga 2am yata… dumating si mama… dala yung mga bote.. pero wala pang gatas… itinakas lang daw niya pagpasok nun kasi bawal daw… dinala na rin niya yung pera ko… nakalimutan ko kasi humiram ng pera kay choi… tapos nun umuwi na si mama… kung sakali daw magutom si baby, pakiusapan ko daw muna ulit yung katabi ko na pade-deen ulit si bebe.. babalik na lang siya ulit pag nakapasok na sa school yung mga kapatid kong elementary pa… ilang oras pagkaalis ni mama, nagising na si bebe, gutom na kasi… kinuha ko wallet ko, kinarga ko siya at lumabas muna kami sa kwarto… susubukan ko sana makalabas ng ospital para bumili ng gatas.. kaso sarado na yung main entrance.. kaya bumaba kami ang open lang yung sa emergency… kaso may guard at marami doctor dun… kaya di rin ako makakalabas.. kaya umakyat ulit ako, bumili na lang ulit ako ng milo sa machine.. iniwan ko muna yung binili ko sa kwarto para palamigin… palakad-lakad muna kami sa hallway… at tumingin-tingin sa ibang rooms… sa katapat na kwarto, dun ko nakita yung nakatabi ko sa delivery room… tinanong ko kung may gatas siya, sabi niya meron, kaya humingi ako… thankful at binigyan niya ako… nag-ask na rin ako ng favor kung pwede na rin ako magpabili kung lalabas yung tita niya… ok naman daw… pagka-umaga daw, pupuntahan ako sa kabilang kwarto… ayun… dahil sa bigay niyang gatas, naka-kain bebe ko… nakatulog na rin kami pareho…. Kinaumagahan, ginising ako ng tita ng hiningan ko ng gatas… lalabas na daw siya… binigyan ko ng 100 kasi 95 daw isang box.. pagkabalik niya di ko na kinuha yung sukli… ok na yun… natulungan naman nila ako eh… tapos nagtext ako sa bahay na nagpabili nako ng gatas… 11:00 na yata dumating si mama… may dalang gatas… bonna.. tapos, inasikaso na yung release papers ko… parang preso noh…. Harhar!!! Kumuha na rin ng birth certificate, at bumili ng ido-donate sa ospital… asar pa yung girl doctor na nag-i.e sakin… biglain daw ba pagpasok ng daliri.. eh ang sakit pa ng tahi ko… naiyak na lang ako sa sakit… at nakatulog… mga 4pm, nakalabas na kami ng ospital… buti na lang… ayoko na kasi magtagal dun… sobrang boring… nag-taxi na kami pauwi… pagkarating sa bahay, kain muna ako bago matulog… kinagabihan, dumating si choi, nagdala ng gatas at diaper.. galing kasi siya sa work… 10pm na yata siya umuwi..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: