Scary…

DATE: MARCH 5TH, 2008

March 3, abut 10:30 pm… kakatapos ko lang kumain at manuod ng marimar… late nako naka-kakain kasi hinihintay ko pa na tulog ang bebe ko bago bumaba… ang ate ko naman ang umakyat para tingnan si beibi… nagtaka ako nun nang biglang tinawag ni ate si mama at hindi ako… timing na may nagpapa-load kaya sakin muna pina-asikaso ni mama… at umakyat na siya… nagulat na lang ako nang biglang bumaba si mama dala si bebe ko at parang in panic sila… tiningnan ko si beibi na parang di gumagalaw… tapos baba si ate pina-pahanap yung nasal aspirator… tinanong ko kung ano ba nangyari… sabi kasi ni ate pina-padede niya… tapos nang papa-dighayin niya nagtaka siya bakit di kumikilos.. check niya kung humihinga pa daw… mahina na daw at parang medyo malamig… eh di pati ako nag-panic… si mama naman pinapakuha ako ng blanket para sa bata… akyat agad ako hinanap ko sa kwarto yung aspirator. Bwiset pa, di ko agad nahanap… buti na lang nakita ni mary, kapatid ko, at iniabot sakin… baba agad ako… nasa labas na pala si mama, dala ang bata, tapos takbo agad kami sa seamen’s hospital… yun kasi pinaka-malapit… nakakatakot.. kasi tumatakbo na si mama, di pa rin gumagalaw si bebe… natataranta na si mama.. ina-alog na niya di pa rin kumikilos… diretso kami sa e.r… tiningnan agad bebe ko… buti nagising nung tiningnan na ng doctor… pinukpok yung likod… kasi baka nalagyan daw ng gatas yung baga… para maka-sigurado, pina-x-ray siya.. buti na lang ok naman ang resulta… ni-recommend ng doctor na ipa-confine si beibi para ma-obserbahan… binigyan na lang kami ng referral sa ospital ng maynila dahil hindi pwede dun i-confine dahil non-member kami… wala kasi kami kamag-anak na seaman… ayun… tang-ina… pag naa-alala ko yun naiiyak ako…. Ang lakas talaga ng kaba ko… pati si ate pina-punta pa si ate agnes… nang makausap ko si ate agnes, sabi niya… nanginginig daw nun si ate sobrang kaba.. akala daw ni ate napatay na niya bebe ko… haayyy… salamat sa diyos at walang masamang nangyari…. Sana hindi na maulit…. Maloloka ako….

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: