Malungkot na Masaya

Nung una tayong nagkita
Ako’y lubos na natuwa
Dahil sa wakas magkakaroon
na ako ng makakasama
Makakaalis na rin
sa mga laruang naka-hilera

Sa iyong pag-uwi
agad akong niyakap, tinitigan
sa pagtulog ako’y katabi
Kasa-kasama mo’ko sa bawat sandali
Sa lubos na atensyon
tila wala nang mahihingi

Lumipas ang panahon
at napansin kong ikaw ay nag-iba
Di mo na’ko pinapansin
at marami kang ginagawa

Nauso ang Facebook
Habang ako’y nababalutan ng alikabok
Pero salamat pa rin at ako ay isinupot
Nang dahil doon alam kong sa’kin
ay hindi ka napu-poot

Dumating ang araw
na aking kinatatakutan
Nang ako’y ikinahon
at nilagay sa imbakan
Napuno ako ng takot
malungkot sa kadiliman
Umaasa na ako’y muling balikan

Nagdaan ang taon at isang araw
ang silid ay lumiwanag
Ako’y natuwa dahil mukha mo
ang una kong nabanaag

Lubos na nagalak
tila ayaw ko nang kumalas
sa iyong pagkakahawak
Nang bigla akong iabot
sa isang batang umiiyak
Nalaman kong siya pala
ay iyong anak

Ngayon alam kona kung
bakit mo’ko itinago
Yun ay para manatili akong bago

Ngayon sa piling ng iyong anak
muli ako ay masaya
Nagbalik sa’king alaala
ang masaya nating pagsasama

Ang post na ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 3 para sa kategoryang Tula


Advertisements

10 thoughts on “Malungkot na Masaya

    • wahaha!!!! 😀 rush kasi malapit na deadline… actually di ko naman naisip sila woody at buzz nung ginagawa ko’to… nakapatay lang ang ilaw sa kwarto taos kinukult pa’ko ng junakis ko… kaya yun… 😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: